Six Poems by E. San Juan, Jr.
PAKSIW NA
BARAKUDA
Proseso sa Pagbabalangkas ng isang Likhang-Sining.
SIKMATIN
SAKMALIN
SAGPANGIN SINAGPANG
KAGATIN
KABKABIN
UKABIN INUKAB
NGATNGATIN NGINATNGAT
NGUYAIN
NGALUTIN
NGATAIN NGINATA
LUNUKIN
LULUNIN NILULON
ILUWA
ISUKA ISINUKA
MALAMANG NASILIP SA BUTAS NG BUBONG NG SELDA
SA CAMP BAGONG DIWA, TAGUIG, RIZAL
Hindi laging nahihimbing
ang
mga bituin sa langit
Hindi laging nakatigil sila
habang
bumabangon sa dilim
Panagimpang gumigising
silahis
ng pag-asa
sa
bawat dibdib
ARKO NG NILAMBUNGANG BAHAG-HARI
Sikaping ipakahulugan ang
nasaksihang lihim
Saan? kailan?
Nangyaring di-sinasadya
Nasira’t nawasak sa katahimikan
ng gabi
Dito: bato sa lansangan
Baka-sakaling idinala sa ibang
lugar, ginamit
Sa ibang paraan, inilipat sa
biro ng tadhana
Nasaksihan sa di-sinasadyang
pagkakataon
Doon: kapalaran ng bantay-tumana
Binuhat sa ibabaw, ibinagsak sa
daan
Nangyaring aksidente
baka-sakaling sinadya
Mahulog man walang palugit sa taning
Ngayon: kapalaran ng hampas-lupa
Nabalaho’t napariwara sa
nabakling ruta
Biyak ng buwang bahag-buntot ang
giya
Natuklasan ang lihim sa
nilambungang hagdan
Alsa-balutan: kwalta na’y naging
bato pa
Kapus-palad, bilasa, nagluksang
likaw ng bituka
Puyo sa talampakan ng
talu-sirang naligaw
Akalang may patutunguhan habang
tumatawid
Itaga sa bato ang bulahaw ng
madaling-araw
HANGGANG SA KABILANG DULO NG HANGGAHAN
Kailan? Saan?
Sa ‘sang kisap-mata, pinagtakluban
Gaano man sikaping di gumalaw
bumabalik ang hanggahang abot-tanaw
sa
pagitan ng langit at lupa
Saanmang lugar kailan man
labas-masok
sa
pagitan ng ilalim at ibabaw
Pinira-piraso ang tapayan
pinagtabi-tabi
ang mga bahagi upang mabuo
muli ang dating anyo
muli ang dating anyo
Umapaw sa labi ng balintataw
kumindat
sa dilim abot-tanaw
Kailan man at saan man tayo
makikipagtagpo
tinakluban
sa ‘sang kisap-mata
humantong
man sa gilid
Bumabalik pa rin
bumabalatay
hanggang
sa puno’t dulo ng hanggahan
PARABULA NG BUTO NG MUSTASA
Nagalit si Malunkya Putta sa
di-pagtugon ni Buda
sa sandamak na mga tanong
tungkol sa usaping metapisikal—
Halimbawa: Wala bang katapusan
ang mundo?
Pagkalagot ng hininga, may libog
pa ba ang kaluluwa?
Sinagot siya ni Siddhartha na
tinaguriang Buda:
“Walang saysay ang mga usisa mo.
Hindi ba ibinuhos ko na ang
panahon at lakas sa pagpapalliwanag
kung bakit tayo nagdurusa?
Itinuro ko paano natin
mababawasan ang kahirapan.
Di ba itinuro ko kung paano
malulunasan ang ugaling
nagbubunga ng sakit at pighati?
Bakit ka nahuhumaling sa mga
kaabalahang walang saysay—
kababalaghang walang anghang?
Sige, Malunkya Putta, hale ka na’t
dalhan mo ako
ng isang dakot ng buto ng
mustasa….
Manlimos ka sa mga tahanang
walang namatayan.
Hayo ka na’t baka abutin ka nang
gabing magayuma ang dilim
at tuloy maligaw ka sa daan.”
PAGBUBULAY-BULAY NG ISANG PETIBURGIS NA INTELEKTWAL
Nang ika-10 gulang, nagnais
akong matuto’t maging marunong
Nang ika-15 gulang, nabatid kong
tama ang gurong Mang Andoy
Nang ika-21 gulang, natiyak ko
na ang daan
Nang ika-30 gulang, nasulyapan
ko na ang guhit-tagpuang abot-tanaw
Nang ika-36 gulang, nabilibid
ako sa kasong pakikiapid (natiklo, ay malas!)
Nang ika-40 gulang, nagpasiya
akong pwede nang makipag-sapalarang mag-isa
Nang ika-50 gulang, bayad na ako
sa mga utang at butaw
Handa na akong umakyat sa bundok—
Napaglirip sa panahon ng
paglalakbay hanggang dito, palipat-lipat ang diwa
Sa pagitan ng ibong makulay ang bagwis
Sa pagitan ng ibong makulay ang bagwis
nakatuon sa panaginip at pantasiya
At isdang nagtatampisaw sa putik,
matimtimang dumaranas
ng udyok at simbuyo ng damdamin….
Hinahangad ko mula ngayon, sa
kabila ng gulo’t panganib ng kapaligiran,
Sundin ang dragon ng isip,
matimyas na pagnanais makahulagpos
Upang sa gayon makaigpaw sa
bangin at makatawid
sa talampas at matarik na dalisdis
ng bundok
Yapos ang ibong pumailanlang at
isdang sumisid
sa
pusod ng kaluluwa—
Makaabot pa kaya ang diwa sa
kasukdulang biyaya ni Maria Makiling
nabighani sa salimbayan
ng
mga kalapating dumaragit?.
*****
E. SAN JUAN, Jr.,
recently a visiting professor of English at the University of the Philippines,
is a retired professor of English, Comparative Literature, and Ethnic Studies,
Washington State University & University of Connecticut. He was a fellow of
the W.E.B. Du Bois Institute, Harvard University; and of the Harry Ransom
Center, University of Texas; and before that, a Fulbright Professor of American
Studies in Leuven University, Belgium, and visiting professor of literature at
National Tsing Hua University and Tamkang University, Taiwan. He served previously
as a fellow of the Center for the Humanities and visiting Professor of English,
Wesleyan University; professor and chair of the Department of Comparative
American Cultures, Washington State University (1998-2001); Fellow at the
Institute for the Advanced Study of the Humanities, University of Edinburgh,
Scotland; and visiting professor at the Universita degli di studi Trento,
Italy. He was a Rockefeller Foundation fellow at the Bellagio Study
Center, Italy, in 2006 and visiting professor of Comparative Literature and
English at the University of the Philippines, and National Cheng Du University
in Taiwan in 2007.
San Juan’s book Racial Formations/Critical
Transformations won awards from the Association for Asian American Studies
and the Gustavus Myers Center for Human Rights. He received the 1994
Katherine Newman Award from the Society for the Study of Multi-Ethnic Literatures
in the United States and the 1999 Centennial Award for Achievement in
Literature from the Cultural Center of the Philippines. His collected poems in
Filipino written in the last four decades, Alay sa Paglikha ng
Bukang-liwayway, was published by Ateneo de Manila University Press; and a
new collection of poems, Kundiman sa Gitna ng Karimlan (University of
the Philippines Press) won the National Book Development Award in 2015. He is
one of the internationally distinguished writers included in the HarperCollins
World Reader.
San Juan’s recent books are: Working Through the
Contradictions: From Cultural Theory to Critical Practice (Bucknell
University Press); US Imperialism and Revolution in the Philippines (Palgrave);
In the Wake of Terror: Race, Ethnicity, Nation and Class in the Postmodern
World (Lexington), From Globalization to National Liberation (University
of the Philippines Press), Critique and Social Transformation: Lessons from
Antonio Gramsci, Mikhail Bakhtin and Raymond Williams (Edwin Mellen Press);
Toward Filipino Self-Determination, Beyond Transnational Globalization
(State University of New York Press); Between Empire and Insurgency (University
of the Philippines Press); Learning from the Fiipino Diaspora (University
of Santo Tomas Press), and Filipinas Everywhere (Sussex Academic Press).
His new book Carlos Bulosan: Revolutionary Filipino Writer in the U.S.
was released last year by Peter Lang, NY.
A recent issue of the online journal Kritika Kultura was partly devoted to critical essays about San Juan’s works, edited by Professor Charlie Veric of Ateneo de Manila Department of English, Quezon City, Philippines. He is currently research officer-in-charge of the Philippines Studies Center, Washington, DC.
A recent issue of the online journal Kritika Kultura was partly devoted to critical essays about San Juan’s works, edited by Professor Charlie Veric of Ateneo de Manila Department of English, Quezon City, Philippines. He is currently research officer-in-charge of the Philippines Studies Center, Washington, DC.